Select Page
Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2022 06:49 PM | Updated as of Jun 09 2022 07:33 PM

10100:00/0:00Watch more News on iWantTFC

MANILA — Hindi pa posible sa ngayon na ibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas, ayon kay incoming Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III. 

“Siguro P27, P28 pwede pa ‘yan. Pero ‘yung P20 [kada kilo ng bigas] eh talagang pag-aaralan ko nang husto ‘yan. Pag-aaralan namin nang husto. Talagang magsusunog kami ng kilay para magawa natin,” sabi ni Estrella ngayong Huwebes. 

Nilinaw rin niya na hindi ipinangako ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang P20 na presyo ng bigas, kundi hangarin pa lamang ito.https://538e68080c2674c64949ce8d212b8996.safeframe.googlesyndication.com/safeframe/1-0-38/html/container.html

“I’d like to correct the notion that he’s committed. The president is so realistic about it. Sabi niya this is an aspiration. Mukhang P20 sa ngayon mahihirapan tayo,” ani Estrella sa isang chance interview. 

Katwiran niya, mataas sa ngayon ang presyo ng langis pati na abono. 

“Pero malapit lang namin nang konti [sa P20 kada kilo], ‘yon lang malapit doon, pwede na,” dagdag niya. 

Sinabi kamakailan ni incumbent DAR Secretary Bernie Cruz na posible ang P20 presyo ng bigas sa susunod na taon kung gagamit ng mga “megafarm.”

Mabigat naman ang bitbit na pressure ng papalit sa kaniya na si Estrella. 

Apo si Estrella ng kauna-unahang DAR Secretary na si Conrado Estrella Sr. na nagsilbi sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. https://538e68080c2674c64949ce8d212b8996.safeframe.googlesyndication.com/safeframe/1-0-38/html/container.html

Isinusulong ng nakababatang Estrella ang paggamit ng tamang binhi, modernong teknolohiya, at soil analysis para mapataas ang lokal na produksyon.

Para sa kanya, magiging hamon ang pangungumbinsi sa mga magsasaka. 

“’Yong ugali ng magsasaka, minsan hindi sila nakikinig eh pero kailangang kaibiganin mo sila at kumbinsihin mo sila nang mabuti at makikinig sila,” ayon kay Estrella.

Isa sa mga itutulak na programa ni Estrella bilang kalihim ng DAR ay ang pagbibigay ng titulo ng lupa sa mga magsasaka, bukod sa Certificate of Land Ownership.

“Gusto natin maging productive itong magsasaka natin. Ang mahirap kasi, na-issue sa kanila Certificate of Land Ownership award, hindi pa yung titulo. Sikapin natin na ma-issuehan sila ng titulo para magamit nila kung maglo-loan sila sa bangko, magamit nila yan na collateral,” ani Estrella.

Magiging malaking tulong din para sa kanya kung may alagang hayop o livestock ang mga magsasaka kasabay ng kanilang pagtatanim

https://538e68080c2674c64949ce8d212b8996.safeframe.googlesyndication.com/safeframe/1-0-38/html/container.html

Isusulong din niya ang modernong pamamaraan ng pagsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng technical support sa mga magsasaka.

Dagdag ni Estrella, kukuha siya ng tulong ng data scientist para magabayan siya sa pagpapatakbo ng DAR.

KAUGNAY NA VIDEO:

https://imasdk.googleapis.com/js/core/bridge3.519.0_en.html#goog_1517261882

ALAMIN: Presyo ng bigas, kaya nga bang ibaba sa P20/kilo?